Written in Filipino, Vice President Leni Robredo is as optimistic as ever, specially this coming 2018. Here’s the full text of her message.
Mensahe
Isang manigong bagong taon sa inyong lahat, mula sa aming pamilya at sa Tanggapan nang Pangalawang Pangulo.Sa ating pagsalubong sa 2018, panalangin natin na patuloy na mamuhay ang liwanag nang pag-ibig at pag-asa sa puso ng bawat isa.
Marami tayong pagsubok na hinaharap at haharapin pa. Nandiyan ang pagkalat nang negatibismo at galit, paglaganap ng kultura ng takot at karahasan sa ating lipunan. Ngunit sa kabila ng mga ito, naging saksi tayo sa katotohanan: na ang bawat Pilipino ay tanglaw sa pag-asa.
Sa bawat kamunidad na ating pinuntahan at sa bawat pamilya na ating nakasalamuha, nakita natin ang kabutihan at habag ng bawat isa para sa ating kapwa.
Kaya’t ngayong 2018m buhay pa rin ang pangarap natin na mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang bawat pamilyang Pilipino. Nananatili tayong matatag at determinado sa ating adhikain na iangat ang ating mga kababayan mula sa kahirapan at ipagtanggol ang mga karapatan ang bawat Pilipino.
Muli, isang masaya at masaganang bagong taon sa ating lahat!
READ: Message of Vice President Leni Robredo for the New Year pic.twitter.com/LyBIEK9SKK
— CNN Philippines (@cnnphilippines) December 31, 2017
She also sent her regards to all her followers on twitter via her twitter account.
Isang manigong bagong taon sa inyong lahat, mula sa aming pamilya at sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo! pic.twitter.com/BeARH1G3ec
— Leni Robredo (@lenirobredo) December 31, 2017